-- Advertisements --

Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group ang isang Consignee ng package na naglalaman ng P20.4 milyong pisong halaga ng shabu sa NAIA.

Ayon sa mga otoridad, ang suspect ay kinilalang si Tammy Bagatao, a.k.a. Joseph Manasseh Acogido, 51 anyos.

Naaresto ang suspect ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group katuwang ang mga tauhan ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group matapos ang isinagawang interdiction operation sa Central Mail Exchange Center (CMEC), Domestic Road, Pasay City.

Nakuha sa pag-iingat nito ang tatlong ID at 3-self sealing transparent plastic pouch na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.

Ito ay tumitimbang ng humigit-kumulang 3 kilo at tinatayang nagkakahalaga ng aabot sa P20.4 milyon.

Dinala naman ang suspect at ang mga narekober na ebdney sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency para sa kaukulang dokumentasyon.