-- Advertisements --
Screenshot 2019 05 31 17 23 45 1
IMAGE | 1-Pacman Rep. Mikee Romero

Umaapela ang Party-list Coalition Federation Inc. (PCFI) sa dalawang uupong Speaker sa 18th Congress na huwag nang baguhin ang chairmanship sa mga komite kahit na may mungkahing term sharing sa pinakamataas na posisyon sa Kamara.

Sinabi ni PCFI President at 1-Pacman Rep. Mikee Romero matapos ang pulong ng 54-member group na mahihirapan lamang ang buong Kamara sa kanilang legislative agenda kapag babaguhin pa ang committee chairmanship sa oras na magkaroon na ng transition sina Cayetano at Velasco.

“For us congressmen, kami lahat, we like to make it consistent at possible,” ani Romero.

Maganda aniya kung gawing consistent lamang ang mga nakaupong chairman sa 75 komite sa loob ng tatlong taon para sa matiwasay na trabaho sa kapulungan.

Nauna nang sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na nakakaranas ng delay ang organization sa Kamara dahil sa speakership issue.

Kaunting oras na lamang aniya ang nalalabing oras bago mag convene ang 18th Congres

“During the time of [Speakers Manny] Villar, [Jose] De Venecia and [Pantaleon] Alvarez by May or June we already know who will be the next speaker and chairment of the committees,” ani Salceda.