-- Advertisements --

Hindi umano pagtupad sa Constitutional duty ang ginagawang pag-upo ng Kongreso sa franchise renewal application ng ABS-CBN, ayon kay Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate.

Sinabi ni Zarate na maaring ireklamo ang Kongreso dahil sa “grave inaction” nito sa 11 pending na panukala para sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Kaya marapat lamang na sundin ng Kongreso ang kanilang jurisprudence na isalang na sa pagdinig ang prangkisa ng network at huwag itong bitinin dahil lamang matindi itong kritiko ng administrasyong Duterte.

Ayon sa kongresista, mula 16th Congress ay may inihaing application para sa renewal ng prangkisa ng media giant.

Mula aniya 16th Congress ay may application na para sa franchise renewal ng broadcast giant at unfair sa ABS-CBN kung isasawalang bahala lang ito ng Kamara.