-- Advertisements --

Nagbanta si Quezon City Mayor Joy Belmonte na magsasampa ng kaso sa mga construction firms kapag nakitaan ng paglabag sa COVID-19 protocols at ang hindi makikipagtulungan sa pamahalaang lungsod.

Nagpaalala ang alkalde kasunod ng paghahain ng kaso ni City Attorney Orlando Paolo Casimiro sa Millennium Erector Corporation na lumabag sa health protocols.

Nasa 57 construction workers kasi nito na gumagawa ng Manhattan Cubao ang nagpositibo ng COVID-19 virus.

Ayon sa alkalde kapag napatunayang alam ng pamunuan ng MEC ang kalagayan at sitwasyon ng kanilang mga trabahante at hindi naireport sa CESU maaari silang sampahan ng kasong criminal pursuant to Section 2.c of the IRR of RA 11332 or the Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Ang Department of the Building Official (DBO), sa pamumuno ni Atty. Dale Peral, ang siyang nag endorsed para sampahan ng kasong paglabag sa RA 11332 matapos isyuhan ng Cease and Desist Order nuong August 26 ang construction firm na MEC para itigil muna nito ang kanilang construction activities.

Hanggat hindi nagbibigay ng clearance ang CESU at DBO hindi maaring bumalik ang operasyon ng nasabing construction firm.

Kaya muling nananawagan si Mayor Belmonte sa mga pribadong kumpanya na agad ipagbigay-alam sa city government kung may mga manggagawa itong nagpositibo sa Covid-19 ng sa gayon maiwasan ang pagkalat pa ng virus.

Nuong August 16 ng madiskubre ang isang index case, agad na nagsagawa ng mass testing ang City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) sa 271 workers ng nasabing construction firm, at 13 sa mga ito ang nag positibo sa Covdi-19 at agad dinala sa HOPE Facility ng siyudad. Agad naman inilagay sa Special Concern Lockdown ang nasabing lugar.

Aug. 21, may 13 dagdag na na mga workers ang nagpositibo at dinala din sa HOPE facility.

Aug. 26,nagsagawa naman ng mass testing ang CESU sa mga nag negatibong workers.
Subalit napansin ng barangay na karamihan sa mga workers ang humihingi ng paracetamol at karamihan ay mayruong ubo agad sinalang sa swab test ang mga ito at dito may 30 pang mga workers ang nagpositibo.