-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Philippine National Railways (PNR) na magsisimula na sa Oktubre ngayong taong ang construction ng Metro Manila portion ng North-South Commuter Railway.
Ayon kay PNR chair Michael Ted Macapagal, nilalagyan na nila ng fences ang ilang areas para hindi madaanan ng mga tao at hindi na ito matirhan pa.
Ililipat na rin umano ang mga lumang tracks sa ibang lugar habang isinasagawa ang clearing operations.
Ibinunyag din ni Macapagal na 50% complete na ang northern line ng NSCR – Tutuban hanggang Malolos at Malolos hanggang Clark.
Inaasahang matatapos ang kabuoan ng NSCR sa 2028 na magkakaroon ng 60 electric multiple-train units.