-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Nadakip ang isang construction worker na kabilang sa Top 6 wanted person municipal level sa Brgy. Pugaro, Balungao,Pangasinan.
Ang akusado ay si Joey Saraos, 50, binata, tubong Pangasinan at kasalukuyang naninirahan sa Raniag, Ramon, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nadakip si Saraos sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni Hukom Ester L. Piscoso-Flor acting presiding judge ng RTC, 2nd Judicial Region, Branch 21, Santiago City sa kasong pagpatay.
Walang inirekomendang piyansa para sa kaniyang pansamantalang paglaya.
Si Saraos ay nasa pangangalaga na ng Balungao Police Station para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.