-- Advertisements --

Inaresto ng mga sakop sa City Mobile Force Company nitong Huwebes ang isang 23 anyos na construction worker matapos na mailabas ang warrant of arrest laban sa kanya dahil sa pangagahasa.

Kinilala ang naaresto na si Ariel Arriesgado Cuyos at residente ng Brgy. Maya, lungsod ng Daanbantayan.

Walang piyansang inirekomenda ang korte sa inisyu na warrant of arrest ni Judge Marlon Jay Moneva ng Regional Trial Court branch 20.

Naganap umano ang panggagahasa noong 2017 sa Brgy. Talamban, Cebu City kung saan 15 anyos pa ang biktima noong panahong iyon.

Itinanggi naman ni Ariel ang akusasyon at sinabi pa niya na niyakap lang niya ang biktima at hindi niya ito nagalaw.