-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Palaisipan ngayon sa pamilya ng construction worker ang motibo ng mga suspect sa pagbaril patay sa kanilang kaanak ng riding in tandem criminal sa barangay Alibadabad, San Mariano, Isabela.

Ang biktima ay si Giovanni Ignacio, 30 anyos at residente ng San Pedro, San Mariano, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Police Staff Sgt.Rogelio Ignacio Jr., tagasiyasat ng San Mariano Police Station kasama ng biktimang si Ignacio ang isang Jeremy Babaran, 20 anyos, residente ng Daragutan East, San Mariano nang pagbabarilin.

Hindi tinamaan ng bala ng Caliber 45 na baril si Babaran kundi ang puntirya lamang ay si Giovanni Ignacio.

Hindi umano nakilala ni Babaran ang dalawang suspect dahil nakasuot ng helmet at naka-sweater ng itim

Patungo anya ang mga biktima sa kanilang trabaho sa Barangay Zone 1 nang mapansin nilang mag sumunod sila sa Barangay Alibadabad na dalawang sakay ng motorsiklo

Sinabi ni Staff Sgt. Ignacio na walang alam ang pamilya ng biktima na nakaaway nito kaya walang silang masabi sa motibo sa pagpaslang sa kanilang kaanak.