LA UNION – Patuloy ang imbestigasyon ng mga kinauukulan sa isang 50-anyos na construction worker na inaresto dahil sa pagtatago umano nito ng iba’t ibang klase ng mga baril at bala sa mismong bahay nito sa Barangay San Antonio, Agoo, La Union.
Nakilala ang suspek na si Alexander Buenaventura, may asawa, residente ng nasabing lugar.
Hinuli ang suspek nang isilbi ng mga otoridad ang search warrant na inisyu ni Presiding Judge Rhea Gallevo ng MTC Agoo, may petsang March 26, 2019 dahil sa kasong paglabag sa R.A. 10591 o “COMPREHENSIVE FIREARMS AND AMMUNITION REGULATION ACT.â€
Kinumpiska ng mga otoridad ang mga sumusunod: 5 homemade cal. 38 revolver, 1 magnum 22 revolver ,1 airgun pistol ,1 carbine rifle ,1 caliber 22 rifle , 1 magazine ng M14 loaded with 15 live ammo, 1 magazine ng M16 loaded with 7 live ammo, 2 magazine ng carbine loaded , with 15 live ammo, 1 magazine ng cal. 22 loaded with 5 ammo at iba pang assorted na bala.
Base sa impormasyon ng Bombo Radyo La Union mula sa Agoo Police, ang suspek ay nananatili pa sa ngayon sa kanilang custodiya bagamat isinampa na ang kaso laban dito.