CAGAYAN DE ORO CITY – Iniimbestigahan ngayon ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang alegasyon na sinunog umano ng 23-anyos na construction worker ang kanilang sariling pamamahay matapos umanong matalo sa pustahan sa laban ni Manny Pacquiao at Keith Thurman.
Sinabi ni SF02 Rolando Aque, hepe ng Bulua Fire Station na ang nasunog na bahay ay pagmamay-ari ni Nix Pimentel, na residente sa Zone 1 B Barangay Pagatpat, Cagayan de Oro City.
Ayon kay Aque nasa P10,000 ang iniwang danyos sa sunog.
Samantala, nagpapatuloy pa ang kanilang ginagawang imbestigasyon kung ano talaga ang punot dulo sa naturang sunog.
Una na kasing sinabi ng misis ng suspek na lasing ng umuwi ang kanyang asawa at naghanap ng kutsilyo.
Pero nang bigong makita ang kutsilyo dahil itinago niya ito ay biglang sinunog ng kanyang mister ang kanilang bahay dahil sa matinding galit busnod daw sa pagkatalo ni Keith Thurman.