LA UNION – Patay ang isang construction worker habang naglalakad matapos atakehin sa sakit sa puso.
Nakilala ito sa pangalang Jerry Aris, 52, tubong Calbayog, Samar.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Roberto Mirafuentes, 50, isang foreman, tubong San Jose del Monte, Bulacan, sinabi nito na kasama niya si Aris na naglalalakad papuntang palengke nang bigla na lamang matumba ito.
Dinala ang biktima sa pinakamalapit na ospital ngunit idineklara ng attending physician na dead-on-arrival.
Nanawagan naman si Mirafuentes at ipinapaalam nito sa mga kaanak ni Aris sa Calbayog, Samar sa pamamagitan ng Bombo Radyo Tacloban na limang araw nilang lalamayan ang bangkay at kung wala silang mahintay na kaanak ay ililibing na lang sa La Union.
Sina Aris at Mirafuentes ay kapwa nagtratrabaho sa ipinapatayong mall sa may Barangay Sevilla, San Fernando City, La Union.