-- Advertisements --

Construction worker, sugatan matapos saksakin sa Candelaria, Quezon
Unread post by bombonaga » Thu Jun 27, 2024 8:57 pm

Construction worker, sugatan matapos saksakin sa Candelaria, Quezon

NAGA CITY- Sugatan ang isang construction worker matapos saksakin sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ang biktima na si alyas Rolly, 21-anyos, residente ng Brgy Malabanban Sur sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nasa labas ng kanyang bahay ang biktima ng dumating ang suspek na kinilalang si alyas Cesar, 22-anyos, residente ng nasabing lugar at magkaroon ng mainit na argumento sa pagitan ng dalawa na nagresulta sa pananaksak ng suspek sa biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na dahil sa insidente nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan si alyas Rolly na kaagad naman isinugod sa ospital para sa asistensiya medikal.

Sa ngayon, nasa kostodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang kaparusahan.