Binabalak na ng Department of Agriculture na bumuo ng consultative council para makabuo ng mas epektibong mga polisiyang pang-agrikulutura kabilang na rin ang ilan pang mga socio-economic issues gaya ng climate change at resource degradation.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang pagbuo ng mga council na gaya nito ay isang daan para mapag-isa ang lahat ng key representatives mula sa iba’t ibang sektor ng agrikultura maging ang mga magsasaka.
Ito ay para maging epektibo at kapakipakinabang ang lahat ng polisiyang gagawin ng kanilang ahensya.
Layon din ng mabubuong konseho na bumuo ng mga collaborative solutions sa mga isyu at problema na kinakaharap ng bansa at gamitin ito bilang magsilbing oportunidad.
Samantala, balak din ng ahensya na sa bubuuing konseho ay isasama sa talakayan ang mga magsasaka, mangingisda mga industry leaders at ang mga local government units para sa mas maayos na proseso ng mga polisiyang tatalakayin dito.