-- Advertisements --
Hiniling ng consumer group na Laban Konsyumer sa mga kumpanya ng langis na huwag ng magtaas ng presyo ng kanilang mga produkto.
Ayon sa kanilang pangulo na si Vic Dimagiba, dapat makisama ang mga kumpanya ng langis dahil marami ang nasalanta ng bagyo.
Hindi rin aniya mapipigilan ang mga ito dahil bawat kumpanya ay may sariling programa sa pagpatupad ng taas presyo ng kanilang produkto.
Magugunitang nitong Martes ay nagpatupad na ang mga kumpanya ng langis ng panibagong dagdag presyo sa kanilang mga produkto.