-- Advertisements --
Ibinunyag ng grupong Laban Konsyumer Inc. na lumalagpas pa rin sa suggested retail prices ilang bilihin kahit na ipinapatupad ang price freeze sa Luzon.
Sinabi ni Laban Konsyumer president Vic Dimagiba, na ang mga presyo ng isda, gulay at karne ay nananatiling mataas kaysa sa itinakdang SRP.
Kanilang binabantayan ang presyo ng mga bilihin kada linggo.
Dapat rin na imbestigahan ng Department of Agriculture ang sinasabing koneksyon ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Susulatan din aniya nila ang Department of Energy dahil umano sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga langis at maging ang liquified petroleum gas.