-- Advertisements --

Nagbabala ang consumer welfare group na mayroong epekto ang pagtanggal ng gobyerno ng ipinapatupad na price freeze sa mga basic neccessities.

Isa dito ay ang itataas ng mga negosyante ang presyo ng mga essential goods.

Sinabi naman ni Laban Konsyumer president Vic Dimagiba, na agad na sasamantalahin ng mga negosyante ang pagkakataon na matanggal ang price freeze.

Ayon naman kay Trade Undersecretary Ruth Castelo na hindi dapat tatagal ng mahigit na 60 araw ang pagpapatupad ng price freeze.

Magugunitang naglabas ng joint memorandum ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture at Department of Health (DOH) noong Mayo 8 ng Prize Freeze sa ilalim ng State of Calamity sa buong bansa dahil sa coronavirus pandemic.