-- Advertisements --
Nagpasya ang Pasig City Government na ipagbawal muna ang mga contact sports dahil sa COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Pasig City Mayor Vicco Sotto, base sa guidance ng Inter-Agency Task Force na nasa desisyon ng mga Local Government Unit kung papayagan nila ang pagsasagawa ng mga contact sports ngayong nasa Alert Level 2 na ang Metro Manila.
Paliwanag nito na maaaring payagan lamang ang mga contact sports kapag may special permit gaya ng PBA subalit kanila itong hindi papayagan dahil nagkasundo ang city council ng Pasig.
Maging aniya ang alkalde ay nagtitiis na rin siya na makapaglaro ng basketball para maging magandang halimbawa.