CENTRAL MINDANAO-Pinangunahan mismo ni Cotabato Provincial Incident Commander on Covid-19 Board Member Dr Philbert Malaluan ang pagbibigay ng tamang impormasyon sa kahalagahan ng contact tracing sa bayan ng Kabacan Cotabato.
Nilinaw nito na may malaking maitutulong ang pagkakaroon ng iisang contact tracing system ang buong lalawigan. Isinagawa ang orientation sa mga frontliners ng Kabacan sa mismong border ng Kabacan sa BARMM.
Samantala, binigyang linaw ni Malaluan ang implementasyon ng MGCQ sa Probinsya. Pinaalalahanan nito ang frontliners na bagamat nasa MGCQ na tayo, dapat ay hingian pa rin ng mga nararapat na dokumento ang mga papasok sa probinsya.
Tumanggap naman ng 1 gallon ng alcohol, hand sanitizer, 50pcs cloth mask at 100 pcs surgical mask ang frontliners sa Malabuaya Checkpoint.
Nagpaalala naman si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr sa taumbayan na mariing sundin ang health protocols kontra Covid 19.