-- Advertisements --

Inamin ni contact trazing czar Benjamin Magalong na bumaba ang antas ng contact tracing ng bansa.

Sinabi nito na mula sa dating 1:7 na ratio ang average noong nakaraang buwan ay mayroon na lamang ito ngayon na 1:3.

Paliwanag nito na sa nasabing bilang na ang nako-contact trace lamang ay ang mga miyembro sa pamilya.

Tanging paghahanap lamang ng mga miyembro ng pamilya ang ginagawa ng mga contact tracers at hindi na nito pinapalawig ang kaniyang paghahanap ng mga nakasalamuha ng nagpositibo sa COVID-19.

Tiniyak naman ng Department of Health (DOH) na kanilang pinapalawak ang ginagawa nilang COVID-19 testing.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na tinatarget nila ang 100,000 na test kada araw.