-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Aminado ang alkalde ng Manolo Fortich Bukidnon na pahirapan ang ginagawang contact tracing sa mga taong nakasalamuha ng 45-anyos na health worker na nagpositibo sa COVID-19.
Sinabi ni Mayor Clive Quiño, ibinunyag sa kanila ng pasyente na nagtungo ito sa sabong at nakipag-inuman gamit lamang ang isang baso sa Bukidnon, pumunta sa Northern Mindanao Medical Center (NMMC), pumasok sa isang mall at sa palengke ng Cogon sa Cagayan de Oro.
Ngunit hindi pa matiyak kung nagpositibo na sa virus ang pasyente sa mga oras na pumunta ito sa nasabing mga lugar.
Ayon kay Mayor Quiño, nagpapatuloy parin ang kanilang malawakang contact tracing.