CENTRAL MINDANAO- Ang gamot sa Coronavirus Disease (Covid-19) ay tayo-disiplina at kooperasyon.
Ito ang naging pahayag ni Department of Health (DOH-12) RESU MedTech Aristotle Teofilo sa isinagawang Contact Tracing seminar sa Kabacan Cotabato.
Ayon kay Kabacan Incident Commander on Covid-19 at MHO Dr. Sofronio T. Edu, Jr. ang pagsasagawa ng contact tracing ay masinsinan at dapat paglaanan ng atensyon.
Dumalo sa nasabing seminar ang mga BHWs, Health Workers mula sa mga ospital sa bayan, at mga opisyales ng mga barangay.
Muli namang hinimok ni Municipal Administrator Ben Guzman ang bawat dumalo na intindihin at unawain ang paraan upang mas masiguro ang maayos na contact trace.
Hinimok din ni MDRRMO Officer David Don Saure ang bawat isa na ugaliin ang pagsunod sa mga ipinapatupad na health standard.
Nagpasalamat naman si Kabacan Mayor Herlo Guzman sa mga frontliners na araw at gabi ay nagtratrabaho kontra Covid 19.