Nagpaalala ngayon ang Government Service Insurance System (GSIS) na magpapatupad na sila ng contactless methods sa pagtanggap sa aplikasyon para sa claims at benefits.
Paliwanag ni GSIS president at General Manager Rolando Ledesma Macasaet, ang kanilang hakbang ay upang mailayo sa pagkahawa sa deadly virus ang kanilang mga miyembro.
Ayon kay Macasaet, inaprubahan ng GSIS ang tatlong mga hakbang kung saan ang mga government employees, retirees at beneficiaries ay maaring makasumite ng kanilang mga application forms at requirements.
Ito ay sa pamamagitan ng: 1) postal mail or delivery courier, 2) drop boxes sa mga lobbies ng lahat na GSIS branch offices nationwide, at 3) electronically gamit ang email.
Ang contactless transactions ay maaring gawin sa pag-apply din ng mga claims at benefits sa: retirement; life insurance (maturity or cash surrender regular or optional policies); survivorship; death; funeral; employees compensation; pre-need; at request sa pension accrual.
“Claimants must download the pertinent application forms, which may be accessed in the GSIS website (via https://www.gsis.gov.ph/downloadable-forms/). Then, they may either choose to print the form and send it manually to GSIS either by drop box or by snail mail, or they may opt to send their application electronically via email through an email address designated by GSIS for a particular area,” ani Macasaet.