-- Advertisements --

Nagdulot ng trapiko sa Suez Canal ng Egypt ang pagkasira ng malaking container ship.

Dahil sa pangyayari ay maraming mga sasakyang pandagat ang hindi makalayag ng barahan ng 400 metro na haba ng barko.

Binuksan na rin ng mga otoridad ang lumang channel para doon makadaan ang ilang mga barko.

Naapektuhan naman ang presyo ng krudo sa international markets dahil sa nasabing naganap na aberya.

Ang nasirang container ship na Ever Green ay isang panaman registered ship ay galing sa China at ito ay patungo sa Rotterdam sa Netherlands.