GENERAL SANTOS CITY – Apat na 40 ft. container van ang naka-hold sa Bureau of Animal Quarantine sa Makar Wharf nitong lungsod.
Ayon kay Dr. Carlo Leo Ejercito, regional director ng quarantine, naglalaman ng mga isda ang naturang container vans subalit pinagdudunahan nilang may nakatagong karne sa loob na galing sa ibang bansa na higit na ipinagbabawal.
Ayon pa dito, handa na nilang buksan ang naturang container vans kung kumpleto na ang hanay ng mga inimbitahang ahensya.
Npag-alaman na nitong Miyerkules ng gabi ng sinunog ang aabot sa 261 kilos ng processed meat products na pinangangambahang mayroong African swine fever virus na naharang sa GenSan Airport.
Sa ginawang pagsisiyasat ng Bureau of Quarantine, nadiskubre na mga karne ng baboy at manok at peking duck ang tangkang ipuslit sa lungsod.
Misdeclared rin umano ang mga naturang kargamento matapos nasuri ng Bureau of Customs na pinaniniwalaang mula pa sa ibang mga bansa.
Matatandaang alerto ang Bureau of Quarantine at Bureau of Customs dito sa lungsod sa pagbabantay sa mga airport at mga pantalan upang hindi maipuslit ang mga karne na nagmula sa ibang bansa lalong-lalo na sa mga apektado ng African swine fever.