Tinitingnan ngayon ng mga eksperto ang posibleng dahilan ng halos 100,000 kaso ng kanser sa Estados Unidos.
Base sa pagsasaliksik ng nonprofit Environmental Working Group, nakitaan ng toxic chemicals ang tubig mula sa bansa.
“The vast majority of community water systems meet legal standards,”
“Yet the latest research shows that contaminants present in the water at those concentrations – perfectly legal – can still harm human health.”
Inilathala ang pag-aaral na ito sa Heliyon, isang research journal, napag-alaman sa isinagawang assessment sa 22 carcinogenic contaminants na pumasa sa national drinking water standards ay may natagpuang arsenic, disinfection byproducts at radioactive contaminants.
Sa pangkalahatan, ang exposure ng tap water sa carcinogens ay posibleng magdulot ng 105,887 kaso ng cancer sa Estados Unidos sa loob ng 70 taon. May katumbas itong apat na cancer cases kada 10,000 katao.