Tinanggal na ng House Quad Committees ang contempt orders ng Lucky South 99 representative na si Cassandra Ong, dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Gou, Chines Business man na si Tony Yang at ilang mga witness na kasama sa kanilang imbestigasyon.
Isinagawa ni Abang Lingkod Party-list Rep. Joseph Stephen Paduano ang mosyon sa pagtatapos ng mega panel na 13th hearing nitong Huwebes ng gabi.
Inaprubahan ng Quad Comm ang mosyon sa pamumuno ni chairperson Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers at ito ay inaprubahan din ng ibang mambabatas.
Ibinahagi ni Paduano ang apila ni Ong na nakapiit ngayon sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City kung saan sinabi ng kaniyang doctor na hindi ito makakadalo si Ong dahil sa dinaramdam na sakit.
Nakatanggap din sila ng impormasyon mula sa pagsususri ng psychiatrist na dumaranas si Ong ng depression dahil sa pinagbawalan itong makalabas.
Pumirma na rin si Barbers na nag-uutos sa CIW na pakawalan na si Ong dahil sa tapos na ang isinagawa nilang imbestigasyon.
Magugunitang na-contempt si Ong ng tatlong beses ng mega panel na ang una ay noong Agosto 28 kung saan hindi ito dumalo sa pagdalo, pangalawa ay noong Setyembre 19 kung saan nagsinungalingito sa kna iyang edukasyon at ang huli ay noong Oktubre 23 ng bigo itong magsumite ng mga dokumento.
Habang ang dating alkalde na si Guo ay nakakukong sa Pasig City Jail na noong Setyembre 19 ay na-contempt ito dahil sa pagsisinungaling ukol sa imbestigasyon ng Quad Committee sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Nahaharap si Guo sa mga kasong qualified human trafficking, graft, money laundering at material misrepresentation.
Habang si Yang ay na-contempt dahil sa pagsisinungaling at ito ay nasa kustodiya ng Presidential Anti-Organized Crime Commission.
Noong nakaraang linggo ay ibinunyag ng abogado ni Yang na si Atty. Raymond Fortun na ito ay na-diagnosed ng lung cancer.
Kasama rin na tinanggal ng contempt order si PMaj. Leo Laraga ang isa sa mga pulis na nagsilbi ng search warrant sa namayapang si Abuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.
Isa sa mga naging rason ng mga mambabatas sa pagtanggal ng contempt order ay para na rin sa ispirito ng Kapaskuhan.
Kinontra naman ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang pagtanggal ng contempt order kung saan maghahain ito sa mosyon sa Korte Suprema na nagkukuwestiyon sa mandato ganun din ang kapangyarihan at otoridad ng Quad Comm sa pagtanggal ng contempt order.