-- Advertisements --

Inalis na ngayong Martes ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na pinamumunuan ni Senator Risa Hontiveros ang contempt order laban kay Sheila Guo na umano’y kapatid ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay Senadora Hontiveros, inatasan niya ang Office of the Sergeant-at-Arms na ilipat ang kustodiya ni Shiela sa Bureau of Immigration alinsunod sa Mission order na inisyu ng bureau laban sa kaniya.

Matatandaan na ipina-cite in contempt ng Senado si Shiela dahil sa kabiguan nitong dumalo sa naunang mga pagdinig sa isyu kaugnay sa POGO.

Idinitine si Shiela sa Senado simula nang maaresto siya kasama ni Cassandra Li Ong sa Indonesia.

Sa mga pagdinig sa Senado, nadiskubre na nakalagay ang pangalan ni Sheila bilang corporate secretary, chief finance officer at treasurer sa maraming mga negosyo ng pamilya Guo. Paulit-ulit naming sinasabi ni Shiela naa walang siyang alam sa umano’y mga criminal activities na kinasasangkutan ng kaniyang pamilya.

Kasalukuyang humharap si Shiela sa mga kaso ng money laundering kasam sina Alice Guo at maraming iba pa.