Hindi inapubrahan ng Korte Suprema ang inihaing petisyon ni Datu Andal Ampatuan Jr. laban sa reporter ng isang sikat na istasyon.
Nag-ugat ang pagpasa ng contempt petition matapos makipagpanayam ang journalist sa umano’y kasambahay ng mga Ampatuan noong 2010.
Ayon sa naturang interview, isinalaysay ng naturang kasambahay na si Lakmodin Saliao, na pinlano ng pamilya Ampatuan ang Maguindanao massacre.
Iginiit ni Andal na kalkulado ang interview kay Saliao, at maaaring makaapekto ito sa pananaw ng mga husgado sa court proceedings.
Sinabi naman ng Korte Suprema na hindi napatunayan ni Ampatuan Jr. ang dalawang pamantayan para aprubahan ang petryon.
Ilan sa mga bigong mapatunayan ni Apmpatuan Jr. ang “purpose of the speech is to impede, obstruct, or degrade the administration of justice,” at “the clear and present danger of the utterance to the court’s administration of justice.”
Sinabihan naman ng Korte Suprema ang network na hindi dapat ineere ang witness, lalo na’t pinoproseso pa ang kaso kaugnay ng patayan sa naturang lugar.