CENTRAL MINDANAO- Pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang tatlong araw na Contingency Planning for Landslides para sa mga kawani ng Aleosan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Ang nasabing pagsasanay ay naglalalayong mabigyan ng tamang kaalaman ang mga kawani ng MDRRMO Aleosan hinggil sa tamang paghahanda ng landslide contingency plan, posibleng maging epekto ng malawakang landslides, paano ito maiiwasan at ano ang mga kinakailangang gawin sa panahon ng pagresponde.
Labis naman ang pasasalamat ni Aleosan Mayor Eduardo C. Cabaya sa pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sa pagiging bukas nito at handa sa pagtulong sa mga local government units na nangangailangan ng tulong lalo na sa larangan ng disaster preparedness at response na isa sa mga prayoridad ngayon ng lalawigan.
Ang nasabing aktibidad ay ginanap sa Barangay Magsaysay, Kidapawan City.