![image 714](https://xrc.bomboradyo.com/newscenter/2023/03/image-714.png)
Tiniyak ng National Water Resources Board (NWRB) na mayroong nakahandang contingency plans o mitigating measures para maiwasan ang kakulangan sa suplay ng tubig sa gitna ng nakaambang epekto ng El Niño sa ikatlong quarter ng kasalukuyang taon.
Kabilang na dito ang paghahanda ng standby deep wells na posibleng mapagkunan ng karagdagang suplay ng tubig.
Ayon pa kay NWRB executive director Sevillo David Jr. na mayroong tinatawag na supply augmentation measures gaya ng pagrekober sa mga water leakeges o mga tagas at pagsasaayos sa treatment facilities.
Maliban dito, naghahanda na rin ang irrigation partners ng NWRB gaya ng National Irrigation Administration (NIA).
Binabantayan rin ng ahensiya ang Angat dam na pinaka-source ng tubi sa Metro Manila kung saan sa kasalukuyan ay pasok pa sa normal operating level kayat nakikitang mayroon pa aniyang sapat na suplay ng tubig.
Muling hinimok ng opisyal ang publiko na magtipid sa pagkonsumo ng tubig.