May mga contingency plan kung sakaling magsagawa ang China ng reclamation activities sa Bajo de Masinloc (BDM) o Scarborough Shoal sa West Philippine Sea (WPS), na itinuturing ng gobyerno ng Pilipinas bilang isa sa mga “red lines” nito.
Ginawa ni Philippine Navy (PN) Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Adm Roy Vincent Trinidad ang pahayag nang tanungin kung handa na ang militar sakaling magsimulang gumaa ng reclamation ang China sa Bajo de Masinloc.
Aniya, may 4 na red lines na ni ibinigay ang gobyerno ng in Pilipinas at isa dito ang no reclamation sa BDM at may contingency plans ang PH Navy at AFP sakaling malabag ito.
Kabilang pa sa mga ikinokonsidera bilang red lines ay ang hindi pagtanggal sa BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal, hindi pagsira sa natural resources s loob ng Exclusive Economic Zone, at hindi pagkaantala ng rotation and resupply missions.