-- Advertisements --

VIGAN CITY – Mayroon ng contingency plan ang mga Pilipino sa Ukraine kung sakaling lumala pa ang nabubuong tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Bombo International Correspondent Shie Santosildes, presidente ng Filipino Community sa Ukraine, nakipagpulong ang Filipino Community sa Philippine Embassy in Poland noong Linggo para sa hakbang na gagawin sakaling lumala ang sitwasyon sa nasabing bansa.

Aniya, aalamin muna ang lahat ng sitwasyon at pagkakakiilanlan sa mga Pilipino sa nasabing bansa para kung sakaling lalala ay maisagawa ang repatriation sa mga Pilipino.

Siniguro naman ni Santosildes na nanatiling nasa maayos na sitwayson ng mga Pilipino sa nasabing bansa.

Gayunman, hiling nito na hindi makikibahagi ang Ukraine sa North Atlantic Treaty Organization forces para hindi na mangkaroon ng gulo sa pagitan ng dalawang bansa.