-- Advertisements --

ILOILO CITY – Inilatag na ng Philippine National Police (PNP) ang contingency plan upang masugpo ang “goons” sa Estancia, Iloilo.

Ito ang kasunod ng pagbatuhan ng akusasyon ng dalawang mayoralty candidate na mayroong pagmamay-aring goons ang bawat isa.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Niño Leonard Amar, hepe ng Estancia Municipal Police Station, sinabi nitong iniimbestigahan na ang umano’y goons na pagmamay-ari nina Mayor Rene Cordero at ng dating katunggaling si Melina Requinto.

Ang nasabing contingency plan ayon kay Amar ay naiprisinta na sa Iloilo Police Provincial Office (IPPO).

Ilang araw bago ang eleksyon ayon kay Amar, mayroong police mobile force team na itinalaga upang mapanatili ang katahimikan sa lugar.

Maliban dito, may augmentation force rin galing sa Philippine Army upang tumulong sa PNP sa pagbabantay sa araw ng halalan.