-- Advertisements --

Nagpaliwanag si Ben Simmons ukol sa kanyang naging desisyon na hindi paglaro para sa Australian team na lalahok sa FIBA World Cup sa China.

Bago ito ay nagkasundo na sina Simmons at ang Philadelphia 76ers sa five-year contract extension ng All-Star point forward na nagkakahalagang $170-milyon.

Ayon kay Simmons, mas nais daw muna nitong igugol ang kanyang oras kasama ang bago nitong mga teammates sa Philadelphia sa halip na magtungo sa China para sa World Cup na magsisimula sa Agosto 31.

“I wanted to let everyone know that after consulting with my representation, I’ve made the difficult decision to forego playing in the World Cup in China,” saad ni Simmons sa isang statement.

“Ultimately, we decided it was best that I use the time in September to return to Philadelphia to acquaint myself with my new teammates and prepare for the upcoming NBA season.”

Napili si Simmons na isa sa mga players ng Australia sa World Cup at una nang nagbigay ng indikasyon na maglalaro ito sa naturang torneyo.

Sa ngayon, pinaplano nitong maglaro para sa Boomers sa dalawang exhibition games kontra sa United States sa Melbourne sa Agosto 22 at 24.

Nananatili rin aniyang nasa kanyang schedule ang Olympics sa susunod na taon na idaraos sa Tokyo.

“I will still be heading back home to Australia to host my camps as well as train and play with the Boomers in the upcoming exhibition games,” ani Simmons. “I’m really excited about the talent we have on the Boomers squad, especially moving closer to 2020 where I will be honored and humbled to represent my country on the world’s biggest sporting stage at the Olympics in Tokyo.”