-- Advertisements --

Nagsimula na sa kanilang trabaho ang 91 percent mga contract tracer na kinuha ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na nasa 45,742 mga contract tracers ang kanilang idineploy habang naghihintay naman ng kanilang appointment ang natirang 4,000 contract tracers.

Aniya, malaking tulong ito sapagkat marami ang nabigyan ng trabaho lalo na ang mga bumalik na overseas Filipino worker at saka ‘yung mga nawalan ng trabaho .

Nakasaad sa alituntunin ng DILG, nasa P18,000 hanggang P19,000 ang sahod ng contract tracers.

Kabilang sa kabilang sa kanilang trabaho ang pag-interview, pag-profiling, at perform ng initial public health risk assessment ng COVID-19 cases.

Sila rin ang kikilala ng close contacts para ma-refer sa isolation facilities; conduct enhanced contact tracing kasama ang iba pang ahensya at private sectors; conduct daily monitoring ng mga close and general contacts sa loob ng 14 days, at mag-perform ng iba pang task may kaugnayan sa COVID-19 response.

Nauna nang sinabi ni Año na kailangang palakasin ng gobyerno ang contact tracing upang mapigilan ang pagkalat ng virus. (with report from Bombo Jane Buna)