-- Advertisements --

ZAMBOANGA CITY – Agad magsasampa ng kaso ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Zamboanga sa contractor at ilang government officials kaugnay sa pagbagsak ng bubong sa Sinubong National High School na ikinasugat ng 10 estudyante.

Ayon kay Mayor Beng Climaco Salazar, kagyat nitong ipinag-utos sa city legal officer na tiyaking mapapanagot ang contractor sa batas at mga obligasyon nito partikular sa pinsalang natamo ng mga Grade 9 students at ari-arian sa nasabing lugar.

Sinabi naman ni City Engineer Chris Navarro, ang covered court project ay resulta ng “poor workmanship” ng contractor sa hindi pagsunod sa plans and specifications.

Samantala, inilipat ang pitong biktima ng nasabing insidente sa isang pribadong hospital upang masiguro ang kaligtasan ng mga ito.