-- Advertisements --

Dapat ma-blacklist at maparusahan ang contractor ng nag-collapse na Cabagan-Sta. Maria Bridge sa Sta. Maria, Isabela. 

Ayon kay Senate Committee on Public Works Chairman Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., heads must roll at dapat aniyang ayusin ang tulay nang walang karagdagang gastos sa taumbayan. 

Nais din ni Revilla na panagutin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kanilang mga engineer at tauhan sa pangangasiwa sa proyekto.

“Hindi dapat nakakalusot sa DPWH ang ganito,” giit ni Revilla. 

“Pitong taon binuhusan ng pondo ng bayan, tapos dalawang buwan pa lang giba na. Billions of funds are spent on public infrastructure and the minimum requirement should be structural integrity. Hindi maaari ang trabahong basta na, at ang bagsak sa kaledad na kahahantungan ng mga pampublikong imprastraktura”, dagdag ng senador

Samantala, nagpahayag ng pagkabahala ang mambabatas sa publiko at sa mga nasaktan sa insidente.

“Ipinagdarasal natin ang mga nasaktan at napinsala sa nangyari,” saad ni Revilla.