Pino-proseso na ngayon ng kontrobersiyal na brodkaster na si Erwin Tulfo ang renewal ng kaniyang License to own and possess firearms (LTOPF) matapos itong mag expire nuong buwan ng Marso.
Ito ang kinumpirma ni PNP Chief PGen. Oscar Albayalde.
Ayon kay Albayalde hindi nila bibigyan ng special treatment si Tulfo, kung saan halos apat na buwan nito inasikaso ang pag renew ng kaniyang LTOPF.
Binigyang-diin naman ni Albayalde na nagbibigay ng palugit ang mga gun owners kapag paso na ang lisensiya ng kanilang mga baril.
Hindi naman nabawi ng PNP ang baril ni Tulfo dahil nasa ibang bansa ito.
“We extend that to all gun licenses owners kasi pwedeng expired ang LTOPF mo pero hindi expired ang gun license mo. I think LTOPF lang ang sa kanya so we gave him a chance, kasi ang LTOPF is just two years,” pahayag ni Albayalde.