Inaasahang dadalo ngayong araw ang kinuhang information technology expert ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pagpapatuloy ng probable cause hearing ng House justice committee sa impeachment complaint laban sa punong mahistrado
Sinabi ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali na nagkumpirma na sa kanila si Helen Macasaet, ang IT expert na umano’y kumita ng P12 million sa loob ng limang taon mula sa kanyang P250,000 buwanan na consultancy fee sa kataas-taasang hukuman.
Samantala, inaasahan naman din ang pagdalo sa pagdinig nina Internal Revenue Commissioner Cesar Dulay, Sandiganbayan Justice Zaldy Trespeses, Court Administrator Midas Marquez at marami pang iba
Nabatid na tatalakayin ni Dulay sa kanyang pagdalo sa pagdinig ang mga tax records ni Sereno, na inaakusahang hindi nakapagsumite ng kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) sa loob ng 17 beses.
Sisentro rin sa pag-uusapan ang ukol kay Trespeses dahil sa umano’y pagtanggi ni Sereno na isama sa mga nominado noon si SC Justice Francis Jardeleza.