-- Advertisements --
diaper
Diaper

(Update) KALIBO, Aklan – Nakita na ang diaper na ibinaon ng dayuhang turista sa dalampasigan ng Station 1 matapos na ipinag-utos ni Environment Secretary Roy Cimatu na suyurin ang lugar at pagbawalang maligo ang mga bakasyunista sa loob ng tatlong araw.

Kaugnay nito, inirekomenda ng lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan sa Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) na magkaroon ng “public toilet” sa mga mataong lugar sa isla upang hindi na maulit ang nag-viral na video na pinag-usapan ng publiko.

Tiniyak naman ni acting Mayor Frolibar Bautista na nadadagdagan nila ang kasalukuyang 84 beach guards at 39 na Malay Auxiliary Police (MAP) upang mas lalong mabantayan ang long beach at buong isla.

Maalalang namataan ang dalawang babaeng umano’y Chinese national na kung saan, hinuhugasan ng tubig-dagat ang pwet ng anak nito na dumumi habang ang isa ay ibinaon pa sa puting buhangin ang diaper.

Nabatid na ipinasara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isla noong Abril 26, 2018 dahil sa environmental issues at ipinag-utos ang anim na buwang rehabilitasyon.