-- Advertisements --
TACLOBAN CITY — Patay ang isang construction worker matapos na makuryente sa isang housing project sa Barangay Villa Caneja, Naval Biliran kung saa n siya ay nagtratrabaho.
Ayon kay P/Capt. Chamberline Ludevise, hepe ng Naval MPS, na umakyat sa pader ang biktima para buksan ang isang housing unit na nalock at ng pababa na ito ay aksidente niyang nahawakan ang isang live wire.
Agad namang dinala ang biktima sa pinakamalapit na ospital pero ideneklara nang dead on arrival.