-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Tinangay ng walo hanggang sampung mga magnanakaw ang malaking halaga ng pera sa isang convenience store sa probinsya ng Cotabato.

Ayon kay Midsayap Chief of Police Lieutenant Colonel Rolly Oranza na pinasok ng mga hindi kilalang suspek ang Kmart Fresh and Easy Meat Shop and Convenience Store sa Quezon Avenue sa Barangay Poblacion 8 Midsayap Cotabato.

Tinutukan ng baril ang isang Security Guard at nagdeklara ng hold-up ang mga suspek.

Kinuha ng mga holdaper ang kita ng tindahan,pera,mga cellphone ng mga kostumer at binitbit pa palabas ang kaha ng mga cashier.

Tinutukan rin ng armas at kinuha ang pera ng mga kostumer na nasa labas ng Kmart Convenience Store.

Tumakas ang mga magnanakaw na lulan umano ng lima hangang walong motorsiklo patungo sa direksyon ng national highway.

Ang Kmart Store ay pagmamay-ari ni Cotabato 3rd District Congressman Joel Sacdalan na nasa harap lamang ng tahanan ng ama nito na si Alamada Cotabato Mayor Jesus Sacdalan.

Kinondena at pinag-utos ni Midsayap Mayor Rolly Sacdalan sa pulisya ang malalimang imbestigasyon sa panghohold-up sa tindahan ng kanyang kamag-anak at pagtugis sa mga suspek.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Midsayap PNP sa naturang pangyayari.