Hindi pinaporma ng Converge Fiberxers ang Magnolia 89-82 sa nagpapatuloy na PBA Governors Cup.
Dahil sa apat na magkakasunod na panalo ay nasa pangatlong puwesto na ang FiberXers sa Group A na mayroong anim na panalo at apat na talo habang ang Hotshots ay mayroong limang panalo at limang talo sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.
Makakaharap na nila ang number 2 seed na San Miguel Beermen sa best of 5 quarterfinals.
Habang ang Hotshots na nasa number 4 ay makakaharap ang top-seed na Rain or Shine.
Sinabi ni Converge interim coach Franco Atienza na naging sulit ang kanilang pagsisikap at itinuturing na simula lamang ang lahat dahil sa haharap sila sa matinding hamon ang pagharap sa Beermen.
Nanguna sa panalo si Justin Arana na nagtala ng 12 points at 12 rebounds habang si import Jalen Jones ay mayroong 27 point, 12 rebounds at apat na assists.