-- Advertisements --

Nalalapit na ang pagpasok ng Converge FiberXers sa semifinals ng PBA Commissioner’s Cup matapos na talunin nila ang Rain or Shine 130-118 sa unang laro ng best-of-three ng quarterfinals.

Nanguna sa panalo ng FiberXers si Cheick Diallo na nagtala ng 35 points, 17 rebounds at tatlong blocks.

Mayroon namang 22 points at walong rebounds si Justin Arana, habang 21 points at siyam na assists si rookies Jordan Heading, 13 points para kay Justine Baltazar at 17 points ang naitala ni Schonny Winston.

Sinamantala ng FiberXers ang pagkaka-fouled out ni Rain or Shine import Deon Thompson sa natitirang siyam na minuto ng third quarter.

Sa unang quarter ay hawak ng Rain or Shine ang kalamangan kung saan umabot pa ito ng 17-points.

Nasayang ang nagawang 14 points at anim na rebounds ni Thompson para sa Rain or Shine bago ito tuluyang ma-fouled out.