-- Advertisements --

Pinahiya ng Converge FibeXers ang San Miguel Beermen 114-112 para makakuha ng isang panalo sa best of five quarterfinals ng PBA 49th Governor’s Cup.

Hinabol ng FiberXers ang 27 points deficit nila sa laro para mapuwersa ang serye sa Game 4 na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium sa lungsod ng Maynila.

Sa natitirang anim na segundo ay nagtabla sa 112- ang laro hanggang maipasok ni Alec Stockton ang buzzer-beating jumper.

Dahil dito ay hinirang si Stocton bilang Best Player of the Game na nagtala ng 20 points, walong assists at pitong rebounds.

Habang mayroong 23 points, 11 rebounds at tatlong assists si Justin Arana.

Sinabi ni Stockton na hindi ito makapaniwala kung saan sinabi ng kanilang coach na si Franco Atienza na kapag matalo man sila ay tila wala ring mawawala sa kanila.

Nasayang naman ang nagawang 39 points, nine rebounds at limang assists ni Eji Anosike habang si CJ Perez ay mayroong 18 points at 10 rebounds para sa Beermen.