-- Advertisements --

Binigo ng Converge FiberXers ang Magnolia 93-91 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Naging susi sa masaklap na pagkatalo ng Hotshots ang pasa ni Alec Stockton kay Justin Arana para maipasok nito ang lay-up at tuluyang makuha ang panalo sa laro na ginanap sa Ynares Center.

Sa simula ay hawak pa ng Magnolia ang kalamangan at lumubo pa sa 65-45 hanggang hinabol ito ng Converge.

Nanguna sa panalo ng Converge si Arana na nagtala ng 24 points habang mayroong 18 points, 10 assists at pitong rebounds.

Nasayang ang nagawang 25 points ni Ricardo Ratiffe at 14 points naman ni Jerom Lastimosa.