-- Advertisements --

Binuhat ni Jamaal Franklin ang Converge Fiberxers ng talunin nila ang Terrafirma 130-115 sa nagpapatuloy na 2023 PBA Governors’ Cup.

Nagtala ng kabuuang 42 points si Franklin habang mayroong 16 points at siyam na rebounds si Maverick Ahanmisi habang mayroong tig-15 points at anim na rebounds sina Jeron Teng at Justin Arana.

Si Franklin kasi ay ipinalit na import ng FiberXers sa unang kinuha nilang import na si Ethan Rusbatch.

Hawak pa ng Terrafirma ng kalamangan sa pagtatapos ng third quarter hanggan mahabol ito ng Converge.

Nasayang naman ang nagawang 18 points at apat na steals ni Juami Tiongson habang mayroong 11 points at anim na assists si Alex Cabagnot para Dyip.