Naitala ni Converge import Scotty Hopson ang kauna-unahang four-point shot ng talunin nila ang TNT 96-95 sa PBA Governor’s Cup.
Naipasok ni Hopson ang nasabing 4 point shots habang may natitirang 4.8 segundo ng laro.
Hawak kasi ng TNT ang kalamangan 95-92 matapos na maipasok ni Rondae Hollis- Jefferson ang huling apat na free throws sa natitirang 9.6 segundo.
Dahil dito ay nagpasya si FiberXers coach Franco Atienza na gamitin ang 4-point shot sa huling possession.
Nakakuha ng sapat na lugar si Hopson matapos ang screen ni Bryan Santos laban kay Glenn Khobuntin para maitala ang makasaysayang game-winning shot.
Nagtapos si Hopson ng kabuuang 32 points, 10 rebounds, habang mayroong 14 points, pitong rebounds, dalawang assists at dalawang steals si Schonny Winston at 13 points at pitong rebounds naman ang naitala ni Justin Arana.
Nasayang naman ang nagawang 32 points, 15 rebounds, anim na assists, dalawang steals at dalawang blocks ni Rondae Hollis-Jefferson at 22 points , 10 rebounds ni Calvin Oftana ng TNT.