-- Advertisements --

Hindi pinaporma ng Converge FibeXers ang Terrafirma Dyip 127-95 sa pagsisimula ng PBA Governors’ Cup.

Mula sa simula ay dominado ng Converge ang nasabing laro na ginanap sa Araneta Coliseum.

Nanguna sa panalo ng Converge si Scotty Hopson na nagtala ng 46 points habang mayroong 21 points si Alec Stocton at 14 points, anim na rebounds, apat na assists at dalawang steals ang naitala ni Justin Arana.

Nasayang naman ang nagawang 19 points ni Stanley Pringle na unang laro niya sa Dyip.