-- Advertisements --

Tinuldukan na ng Converge FiberXers ang kanilang tatlong sunod na pagkatalo matapos na malusutan ang NorthPort 107-99 sa nagpapatuloy na PBA Governors Cup laban na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Sa simula ay nangangambang matalo ang Converge dahil umabot pa sa 16 points ang lamang ng NorthPort.

Nagtulungan sina Bryan Santos, Alec Stockton, at Schonny Winston para makuha ng Converge ang kalamangan.

Ayon kay Converge coach Franco Atienza na sa last quarter ay kanilang natiyak ang panalo.

Dagdag pa nito na hindi lamang sa kanilang import ng makakuha ng magandang puntos at maging sa mga local na manlalaro.

Mayroon ng tatlong panalo at apat na talo ang Converge para sa Group A.

Nanguna sa panalo ng Converge si Alec Stockton na nagtala ng 21 points habang si Winston na tinanghal na Player of the Game ay mayroong 17 points at siyam na rebounds.